Mga panuntunan sa parke
Mga pamamaraan kung paano makatutulong sa pagpapanatili ng kagandahan at kaayusan ng parke.
1
Gumamit ng mga produktong magagamit muli
Magdala ng mga plato, kubyertos at baso o tasa mula sa bahay. Ang mga disposable na produkto ay madaling masira at kadalasan nasasayang lang. Ito rin ay pang panandalian o isahang gamit lamang.
2
Gumamit ng portable mini grill o pampublikong ihawan
Ang mga disposable na ihawan ay isang pangunahing problema sa pagtatapon ng basura at maaaring makapinsala sa damo at mga halaman.
3
Ugaliing mag “pant”
Maaring i-donate ang naipong “pant”. Pwede ring iuwi ang mga bagay na may “pant” sa bahay o gumamit ng mga angkop na solusyon sa basura tulad ng paggamit ng tiyak na sisidlan para rito.
4
Iwasan magtapon sa mga punong basurahan
Ang pagtatapon sa mga punong basurahan at paglalagay ng basura sa tabi nito ay sanhi pa ng dagdag na pagkakalat dahil maaari itong tangayin ng hangin o kaya naman ay kalkalin ng mga ibon at hayop na naghahanap ng pagkain.
Ugaliin ang pagdadala at responsableng paggamit ng supot para sa dumi ng aso
5
Dalhin pauwi ang supot kung walang matatapunan na basurahan sa parke. Ang supot na ginamit para sa dumi ng aso, kahit ito ay klase ng supot na nabubulok ay dapat itapon sa “restavfall”.
6
Maging handa para sa mga hindi inaasahang basura
Magdala ng sisidlan o supot para sa mga basura at mga tirang pagkain. Iuwi ang basura sa bahay kung puno na ang mga basurahan sa parke. Pulutin din ang iba pang basura na nakakalat.
Maging matalino sa pagtatapon ng mga pinaglagyan ng take away na pagkain
7
Ang mga kahon tulad ng lagayan ng pizza ay madalas na humaharang sa bukasan ng mga basurahan dahil ito ay malalaki. Dapat itong itiklop at isiksik ng mabuti sa loob ng basurahan para magkaroon pa ng puwang para sa iba pang basura.
Iwasan ang pagtatapon ng gamit na “snus” at upos ng sigarilyo sa lupa
8
Ang “snus”at upos ng sigarilyo ay nagkakalat ng maliliit na piraso ng plastik at mga lason sa kalikasan. Gamitin ang takip sa lalagyan ng “snus” at gumamit naman ng pocket ashtray para sa upos ng sigarilyo.
Hold Norge Rent (HNR) er en ideell medlemsorganisasjon som arbeider mot forsøpling. Vi inviterer bedrifter, virksomheter, organisasjoner og andre aktører som ønsker å bidra til et rent Norge, til å bli medlemmer. Grunntanken er at forsøpling er et felles ansvar, og at alle kan bidra.
Les mer om Hold Norge Rent og vårt arbeid på vår hjemmeside.